Wage increase bill iprayoridad – solon

KAHIT inanunsyo na ng Department of Labor and Employment (Dole) nitong Huwebes na walang magaganap na pagtataas ng sahod sa Araw ng Paggawa, umangal pa rin sina Gabriela Reps. Luz Ilagan at Emmi de Jesus sa pamamagitan ng pagsusumite ng HR 1184.

Sa nasabing bill, hinihingi ng mga lady solon kay Pangulong Benigno C. Aquino III na sertipikahan bilang “urgent” ang House Bill No. 375 o “An Act Providing for a P125 daily across the board increase in the salary rates of employees and workers in the private sector and for other purposes.”

Anila, kailangan ang sapat na  dagdag sa sahod dahil sa sunud-sunod na pagtataas ng presyo ng langis, pangunahing bilihin, at nitong huli ay ng pasahe sa pampublikong sasakyan.

Anila, hindi na kaya ng kasalukuyang daily minimum wage ang kahit kalahati man lamang ng pangangailangan ng pamilya na may apat na anak.

Daig pa umano ng mga manggagawang Filipino ang mga alipin, dahil kung minsan ay mas mataas pa ang sweldo ng katulong kaysa sa kanila.

Kung patuloy umanong papayagan ng administrasyong Aquino ang ganito ay hindi lamang sila nagiging insensitive kundi hindi na rin makatao.

Baka umano dumating ang araw na magsisi ang mga taong bumoto sa kanya at naniwala sa kanyang mga pangako.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply