Wage increase suportado ng DTI

SUPORTADO ng Department of Trade and Industry (DTI) ang panukalang pagtataas sa mga minimum wage earners upang matulungan ang mga ito lalo pa’t patuloy ang pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin dulot pa rin ng pagtaas sa presyo ng langis sa world market.

Sa pahayag ni Trade and Industry Secretary Gregory Domingo sa kanilang website, sinabi nito na suportado niya ang pagtataas sa sweldo kung dadaan ito sa proseso ng regional tripartite productivity wage
board.

“The department recognizes the plight of workers and the need for an increase in their take home pay,” ayon kay Domingo.

Ngunit nilinaw ng kalihim na hindi siya pabor sa P125 na pagtaas kada araw na itinutulak ng mga militanteng grupo.

Sinabi nito na dapat ang pagtaas sa sweldo ay ibabase sa “inflation rate” at hindi agad na napakataas upang hindi maparalisa ang operasyon ng mga industriya at kumpanya sa bansa.

“Giving a P125 per day wage hike across the board increase will make our companies uncompetitive compared to its Asian counterparts.  It is not wise to give such a high amount a time when our companies are gaining grounds in our competitiveness,”  paglilinaw ni Domingo.

Ang masyadong mataas umanong dagdag sa sahod ay maaaring tumaboy sa mga posibleng dayuhang mamumuhunan sa bansa.

Kailangan umanong maging balanse ito upang mabiyayaan kapwa ang sektor ng mga mangagawa at negosyo upnag magkaroon ng “win-win solution.” Amor Virata

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply