Wala ng AFP Central Bank -Oban

TAHASANG inihayag kahapon ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff, Gen. Eduardo Oban na wala ng AFP central bank sa loob ng organisasyon ng Hukbong Sandatahan.

Sa isang panayam, muling tinuran ni Gen. Oban na ang kanyang unang agenda ay ang reporma sa financial management ng buong AFP at ang kanyang marching order ay pagsusulong ng reporma sa Hukbong Sandatahan.

Ipinagmalaki pa ni Oban ang pagbabago sa kanilang management ng AFP fund  makaraang mabulgar ang multimillion anomaly sa loob ng organisasyon dahil sa ginagawang reporma.

Matagal na rin umanong nabura ang napabalitang AFP Central Bank at sa kalagitnaan ng 2000 ay maraming nang napasimulang mga pagbabago para mawala ang koraspyon s aloob ng institusyon.

Ayon kay Oban, dati kasi ay independent ang pondo sa AFP, lalo na sa inilalaan na pondo sa mga bonuses ng mga opisyal.

Kaugnay nito, katig ang heneral sa planong isasailalim na lamang ang pondo ng AFP sa isang sibilayang na ahnesiiya o kaya ay sa ilalim ng Department of National Defense basta ang mahalaga ay magkaroon ng totohanang check and balance.

Nanindigan si Oban na depende na lamang sa mapaguusapan kung isasailalim ang kanilang pondo sa DND basta’t ang mahalaga ay magkaroon ng reporma at transparency.

Samanatala nilinaw din ng heneral na hindi sila manghihimasok sa ginagawang ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa mga aktibong opisyal ng AFP na sangkot sa umano’y kurapsyon.

Aniya’y hahayaan na lamang muna ng AFP ang ginagawang imbestigasyon ng komite sa Senado na may hawak sa kaso at pagakatapos nito kung anuman ang maging resulta ay saka kikilos ang AFP upang maparuasahan ang mga dapat na maparusahan. Verlin Ruiz

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply