Warriors lugmok sa Tigers

NAGPAHIWATIG ng maagang sigla ang Ilocos Sur CS Tiger sa pagbabalik sa Regional Basketball nang kagatin ang MPGenSan Warriors sa iskor na 84-76 sa pagsisimula ng aksiyon sa Liga Pilipinas Conference V sa Sto. Domingo People’s Center sa Sto. Domingo, Ilocos Sur.

Ang host Tigers ni Gov. Chavit Singson na giniyahan ni coach Johnedel Cardel ay may pinakitang magandang panimula sa ex-player debut niya bilang bench tactician.

Ang tubong Ilocandia na si Ramsey Williams ay nagpasabog ng 13 puntos, humablot ng limang board, naka-assist ng anim at nakagawa ng dalawang steal. Isa pang player ng Tiger na si Jemal Vizcarra ang tumudla ng 14 puntos.

Binigo ng tropa ni politician/sports patron na si Singsong ang team ng kaibigang kapwa pulitiko at boxing idol na si Manny Pacquiao at ni head mentor Arvin Bonleon na humahalili sa dating MP Warriors coach Chong del Rosario na kamakailan ay iginupo ng sakit na leukemia.

Hindi umubra ang liksi ng Warriors na naka-12 laban sa apat ng Tiger nang ipairal ng lakas at laki at tibay sa ilalaim ng mga Tigers na hindi makontrol ng Warriors.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply