Willie hinamon ni Kiko na kasuhan siya

HINAMON ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan na kasuhan din siya ng Willing Willie TV Host na si Willie Revillame sa kanyang twitter account.

Nagbunsod ang paghahamon matapos sabihin ng tv host na kakasuhan niya ng libel ang lahat ng bumanat sa kanyang mga artista kabilang na sina Jim Paredes, Agot Isidro, Mylene Dizon, Bianca Gonzalez, Tuesday Vargas, Aiza Seguerra at Lea Salonga.

“Willy R threatns 2 sue those who criticizd him on Twittr. This arrogant, unrepentant&incorrible tv host has gone 2 far&shld go. Sue me 2”, ito ang nakapaloob sa twitter ng senador.

Noong Biyernes sa huling live program ng Willing Willie ay sinabi nito na kanyang kakasuhan ang mga kapwa niya artista na bumabatikos sa kanya.

Dalawang linggo hindi masasa-ere ang naturang show dahil sa pag-pull out ng mga major sponsors nito. Nag-ugat ang kontrabersiya ng punahin ng karamihan ang pagpapasayaw niya sa batang si Jan-Jan ng malaswa kapalit ng sampung libong piso sa isang segment ng show. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply