Willie Revillame pinasisikat lalo ng detractors

WALA na talagang makapipigil.

Willing-Willie has become the biggest program sa television.  True nga yung observation na talagang marami ang nagnanais na kitlan ito ng buhay ngayon, particularly ang mga detractors at kaaway ni Willy Revillamne. Patunay diyan yung maraming legal harassments na humampas kay Willy simula nang umere na ito sa Tv5 .

But to the dismay of Willie’s detractors, lalo lamang nagiging controversial ang show. Ayan tuloy, pinuputakti ng mga advertisers at kung lalo pang susuwertihin, who knows baka ma-zero na sa ratings ang mga kalaban nilang programa.

Anyway, latest sa mga hambalos kay Willie ay itong kesyo-kesyong child abuse ek against a certain Jan Jan na inabuso raw, ginawang katatawanan marami pang ibang ek ek. To satisfy yung mga nagrereklamo, nag-issue naman ang kampo ng Willing Willie ng apology pero ipinaliwanag nilang wala talaga silang malisya.

Nakyutan sila, nasayahan ang audience at nagalak ang buong Pilipinas sa pagiging smart at cute ni Jan Jan na talagang tinawanan, pinagpistahan at hinaleluya’ng pagsayaw niya’ng macho dancing.

Personally, we see nothing wrong  with  that. Kung masama ang macho dancing, di sana matagal na itong ipinagbawal sa tv. Kung bawal ang macho dancing, ipagbawal na rin dapat ang shembot  spaghetti ng Sexbomb at marami pang sexy dance steps sa tv. Pero talagang lutang na lutang ang double standard sa showbiz kaya ayan, they are now zeroing on Jan Jan’s macho dancing on tv.

Heto ka pa, may nagkesyo kesyong bawal daw ang ganyan at ganito sa mga bata. Pati si DSWD Soliman will write daw a letter to Tv5 at ipagbawal na’ng mga bata sa program ni Willy.

Well and good, okey lang yan, pero hindi ba dapat ipagbawal na rin yan sa lahat ng networks at maging sa movies? Bawal na dapat ang lahat ng bata para hindi sila maabuso at maging katatawanan, hindi po ba?

Case in point, dami ng mga bata sa mga soap opera sa tv na may mga eksenang minamaltrato, hindi ba ganyan din yun? Yung sa ABS na Going Bulilit, hindi ba, katawa-tawa ang mga bata run, hindi ba mga adult scripts ang ginagamit doon?

At heto ngayon, angTv5 lang ang susulatan nila?

Double standard, hindi po ba?

Ang malinaw ngayon, Willie Revillame  sent out his public apology.

Hindi kay panahon na para wakasan na ang isyung ito?

O baka naman may iba pang gustong sumawsaw!

AARON AGUSTIN  BAGONG IIBIGIN… HANGGANG KAILAN?

Ward po siya ni Direk Maryo Delos Reyes. But as of now, nakatago pa siya at kasalukuyang pinahihinog ng batikang direktor. When he’s ripe enough, walang duda, si Aaron Agustin ang next na ibi-build up ni Direk.

Aaron is a Pampangueño, taga- Angeles City.  He holds a day-time job sa Pampanga wet market at market guard ang posisyon niya. He’s now keen  in keeping his job, kasi nga na-realize niyang no matter how unglamorous it is, he needs it to help out his family.

Kagaya ng marami pang mapangarap, gusto ni Aaron na maging bahagi ng pagbabago sa buhay ng kanyang pamilya.

Guwapo at maganda ang physique si Aaron, puwedeng maging bikini model, puwedenga maging kontesero, pero beyond that ang pangarap niya. Gusto talaga niya ng isang career na puwede niyang mapanghawakan nang matagal, kaya acting ang gusto niya.

Naniniwala rin si Aaron that his time will come, sa suporta ng kanyang mentor nasi direk Maryo at ng iba pang mga kaibigan niyang putting up full support to him.  Cesar Pambid

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply