Willie Revillame, TV 5 kinasuhan

PATONG-PATONG na kaso ang isinampa ng ilang child rights advocate sa Quezon City Prosecutor’s Office (QCPO) laban sa kontrobersiyal na TV host na si Willie Revillame at ABC TV 5 management.

Nanumpa ang mga miyembro ng Stop Child Rights Exploitation in Media (SCREAM) sa harap ni Assistant City Prosecutor Melissa Oco-Diosdado matapos isumite ang kanilang reklamo laban kay Revillame at sa ABC TV5.

Kabilang sa mga complainant ay sina Amihan Abueva, Dolores Alforte, Sally Ujano, Jean Enriquez, Aida Santos, Lan Mercado-Carreon at Elnora Tabios na kinatawan ng abogadong si Cristina Sevilla.

“The controversial segment in the said producer’s show aired on March 12, 2011 merits collective action from those who have been historically fighting for children’s rights,” pahayag naman ni Faye Balanon, tagapagsalita ng SCREAM.

Magugunitang sa nabanggit na petsa ni Balanon ay nai-ere ang mala-call boy na pagsasayaw ng ni Jan-jan Suan habang umiiyak.

Iginiit ng grupo na hindi tama at labag sa batas ang maituturing na  malaswang pagpapasayaw ni Jan-jan.

Kabilang sa mga batas na nalabag ay ang Republic Act (RA) 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act), RA 9775 o An Act Defining the Crime of Child Pornography, RA 9231 o An Act Providing for the Elimination of the Worst Forms of Child Labor, at iba pa.

Bukod sa paghahain ng reklamo laban kay Revillame at sa ABC TV5, magbibigay din ng edukasyon sa publiko ang naturang grupo hinggil sa konsepto ng pang-aabusong sekswal, komodipikasyon, sexualized na pag-aayos sa mga bata na naglalapit sa kanila sa pagsasamantala ng iba habang sila ay bata o kahit sa kanilang pagtanda. Robert C. Ticzon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply