Wizards ginulat ang Bidang Generics

IPINALASAP ng PC Gilmore ang unang kabiguan ng paboritong Pharex Bidang Generics sa iskor na 99-97 sa Lyceum Gym sa Intramuros.

Tinambakan ng Wizards ang Generics, 49-35, sa unang dalawang quarter at inalalayan ng abante hanggang sa huling minuto.

Nabigo sa dalawang pagtatangka sa 3-point area ang mga shooter ni coach Richard del Rosario hanggang maubusan sila ng oras.

Sa pagkakapanalo ng kupunan ni coach Carlo Tan ay nakapantay sila sa Road Warriors at Bidang Generics sa 2-1 slate sa Group A ng PBA D-League Foundation Cup.

Samantala, sa labanan sa group B ay nasungkit ng Maynilad Water Dragons ang ikalawang panalo nang pasadsarin ang Cafe France Scorpions sa iskor na 106-74 matapos igupo ng Water Dragon players ang mga taga Cafe France Scorpions na kinatawan ng manlalaro ng Centro Escolar University. Radito Torres

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply