Wizards pinulbos ang RnW Pacific Pipes

NAKAGUGULAT na 10 triples ang ibinuslo ng PC Gilmore laban sa RnW Pacific Pipes sa 2nd half tungo sa 75-59 sa pagsungkit sa ikatlong puwesto sa Group A ng PBA Developmental League Foundation Cup sa Letran Gym sa Muralla, Maynila.

Nagbida si Jhe Agas sa scoring parade sa pagtatala ng 15 puntos, kabilang dito ang tatlong trays na dinagdagan ni Jett Vidal ng 13 puntos.

Umangat ang Wizards kapantay ng NLEX Road Warriors at Blackwater Perfume na pawang tangan ang 3-1 win-loss slate sa Group A.

Sa gitgitan laban sa Cebuana Lhuillier Gems at Maynilad Water Dragons, napatalsik sa laro sa huling quarter si Head Coach Frankie Lim kasunod ng 2 magkasunod na technical fouls dahil sa walang tigil na reklamo habang nasa loob ng playing court.

Umangat ang Gems sa 3-1 habang nalaglag ang Water Dragons sa 3-3 slate sa iskor na 93-85 na banatan ng dalawang kopunan.

Pipilitin naman ng NLEX Road Warriors at ng Blackwater Perfume na makuha ang liderato sa salpukan nila bukas ng hapon sa Arellano Gym kasunod ng sagupaan ng Cobra Energy Drink (2-1) at ng Cafe France (0-3).

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply