World Earth Day ginugunita ngayong Biyernes

IIPINAGDIRIWANG ngayong Abril 22 ang World Earth Day na may temang “A Billion Acts of Green.”

Ang nasabing okasyon ay nagpapaalala sa mga tao ukol sa kahalagahan ng kalikasan at kung paano ito ipre-preserba lalo na ngayong nararanasan ang climate change.

Isinusulong ng Earth Day ang Clean Air Act, Clean Water Act at Endangered Species Act, pawang mga maka-kalikasang gawain.

Noong 1970, unang idinaos ang Earth Day.

Sa kasalukuyan, umaabot sa 1 bilyon katao ang nakikilahok sa 192 bansang nakikibahagi sa nasabing pagdiriwang ng kalikasan, kabilang na ang Pilipinas.

Dahil sa pumatak ang Earth Day sa Holy Week, partikular na ngayong Biyernes Santo, inilipat ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang selebrasyon ng Pilipinas sa Abril 25.

Ayon sa Proclamation 1481, ipinagdiriwang taon-taon ang Earth Day tuwing ika-22 ng Abril.

Base sa ipinalabas na Administrative Order (AO) No. 12 na nilagdaan ng Pangulo noong Abril 19, ililipat na ito sa pinakamalapit na Lunes na pumapatak sa Abril 25. Alex Luiz

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply