Worldwide freight rate reference gagamitin ng Customs

GAGAMITIN na ng Bureau of Customs ang “worldwide freight rate reference” para sa mga containerized na kargamento upang ipagkait sa mga mandaraya ng buwis ang mga dati na nilang mga gawain kung saan nawawalan ang pamahalaan ng P1.3 bilyon kada taon dahil sa kawalan ng reference rate.

Ayon kay Customs Commissioner Angelito Alvarez, mga xerox copy lamang ng mga bill of landing ang isinusumite ng mga importer o broker sa custom assessment personnel bilang mga valid supporting documents na halos karamihan ay pawang hindi tugma sa actual transportation costs sa transportasyon ng mga kargamento na ikinalulugi ng pamahalaan.

Isang kumpletong listahan mula sa Department of Trade and Industry ng mga freight reference na sakop ang 280 ports sa 70 bansa ang magbibigay ng kapangyarihan sa Customs na matiktikan kung may mali sa mga deklarasyon sa transport cost ng mga importers. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply