Yap nanguna sa botohan sa All-Star Game

PINANGUNAHAN ni Derby Ace Llamados gunner James Yap ang botohan sa gaganaping 2011 PBA All-Star Game sa susunod na buwan sa Boracay matapos makakuha ng 31, 437 votes.

Ang eksplosibong backcourt naman ng Barangay Ginebra Kings na binubuo nina Mark Caguioa at Willie Miller ang nanguna sa botohan para sa starting guards ng North sa nakuhang 17,037 at 9,603 votes.

Makakasama nina Caguioa at Miller sa starting unit ng North sina Llamados big men Marc Pingris (22,041) at Kerby Raymundo (15,381) at ang reigning All-Star MVP Gabe Norwood ng Rain or Shine (12,744).

Makakatulong naman ni Yap sa starting unit ng South sina Cyrus Baguio ng Alaska (18,342), Eric Menk ng Ginebra (23,571), Jay Washington ng San Miguel (23,571) at Kelly Williams ng Talk ‘N Text (20,439).

Si Talk ‘N text coach Chot Reyes ang gagabay sa South habang si San Miguel rookie mentor Ato Agustin naman ang hahawak sa North. Radito Torres

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply