Yemen President magbibitiw

SUMANG-AYON na si Yemen President Ali Abdullah Saleh na umalis sa kanyang puwesto makaraang maghain ng proposal ang Gulf Arab mediators na ibigay na ang poder sa kanyang deputy at hindi na siya kakasuhan o magkakaroon na siya ng immunity.

Tinanggap na rin ng lider ng mga nagpoprotesta ang naturang kasunduan subalit may mangilan-ngilan pa rin na hindi kumbinsido.

Napilitan umalis si Saleh dahil sa dalawang buwang demonstrasyon sa mga pangunahing kalye sa bansa na humihiling ng pagpapaalis sa kanyang puwesto na hawak niya ng tatlumpu’t dalawang taon.

Matataandaang nagmatigas muna ang presidente na umalis sa kanyang puwesto dahil gusto nitong tapusin ang kanyang termino hanggang 2013. Subalit malaking dagok ang pag-aalsa balutan ng kanyang mga top military commanders at lumipat ito sa mga hanay ng nagpoprotesta.

Nagpahayag naman ng kasiyahan ang white house sa naturang kasunduan at pinayuhan ang lahat ng mga partido na magkaroon ng agarang pag-uusap para sa pagpapalit ng gobyerno.

“We will not speculate about the choices the Yemeni people will make or the results of their political dialogue. It is ultimately for the people of Yemen to decide how their country is governed,” dagdag na pahayag ni US State Department spokesman Mark Toner. Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply