Yes Pogi at Juggling Act may rematch sa Imported/Local challenge race

MAGKIKITA muli sa pista Linggo, Abril 3, sina Yes Pogi at Juggling Act upang malaman kung sino sa kanila ang tatanghaling 2011 PHILRACOM Diamond I 3rg Leg Imported/Local Challenge Race na gaganapin sa Sta. Ana Park sa Naic, Cavite.

Si Yes Pogi na tinaghal na 2010 Philippine Sportswriters Association, (PSA) Horse-of-the-year ay kinikilalang pinakamahusay sa local horse habang si Juggling Act ang isa sa magagaling na imported horse.

Naglaban ang dalawa sa 2011 Philracom “Amethyst I” 2nd Leg Imported/Local Challenge kung saan ay naungusuan ni 2010 Presidential Gold Cup king Yes Pogi si Juggling Act.

“Ang ganda ng laban nila sa 2nd leg dikit na dikit ang laban nila kaya maaaring magbagao ang resulta dahil pihadong naghanda ang mga connection ni Juggling Act.” paliwanag ni Jaime “James Rat” Casal horse trainer.

May nakalaang P300,000 na premyo para sa mananalong kabayo sa distansyang 1,800 meter race, P112,500 sa second placer at P62,500 at P25,000 sa third at fourth placer ayon sa pagkakasunod.

Tatanggap din ng P15,000 ang winning breeder ng kabayo na inisponsoran ng Philippine Racing Commission (PHIlRACOM).

Ang ibang nagnanais makagawa ng pangalan sa nasabing prestihiyosong event ay sina Botbo, Fierce Fighter, Mooney Money at ang kakampi ni Juggling Act na si Indy Hay.

Si class A rider Fernando “Dunoy” Raquel Jr. ang gagabay kay Juggling Act kung saan ay 57 kgs. ang dadalhin nito habang si veteran jockey Manolito “Butchoy” Daquis na may dalang 55 kilos ang rerenda kay Yes Pogi. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply