‘You can’t put a good man down’

BUKOD sa paninira, plano palang likidahin si SPO4 Narciso ‘Nonoy’ Amante, ang laman ng ating talakayan sa nakaraang isyu ng Chokepoint.

Pamoso si Sgt. Amante sa Batangas dahil siya’y magaling na alagad ng batas at ‘di matatawarang police intelligence agent.

Katunayan, ilang sensational case ang nalutas dahil sa angkin nitong pagkalap ng impormasyon ang nagpasikat sa kanyang pangalan.

Ang famous Wakaoji kidnapping at pagkakalansag ng malaking shabu laboratory sa Lipa City ay ilan lamang sa kanyang trabaho.

Sa R-4A at 4B, kilala si Sgt. Amante dahil ang kanyang kompanya ang exclusive distributor ng isang higanteng bottled company.

Kasabay ng kanyang pagiging police intelligence agent ay ang pagharap sa itinayong negosyo na nang lumao’y nagtagumpay.

Siya ngayon ay ‘di lang matagumpay na pulis kundi matagumpay din na may-ari ng Amante Ventures Corporation at Amante Ventures General Trading.

Ang dalawang suwerte na ito na dumating sa buhay ni Sgt. Amante, ang marahil dahilan kaya siya’y pinupukol ng kontrobersya.

Kung ano-anong paninira ang ikinakalat laban sa kanyang katauhan at nang ‘di matinag ay ang  buhay naman ang tinitira.

Kuwento ni Sgt. Amante sa Chokepoint,  maraming beses  na siya’y tinangkang likidahin ng mga galit sa kanya,  subalit natugunan ito.

Ito’y matapos na ‘di nagtagumpay ang paninirang ginagawa sa kanya, katulad ng bintang na siya’y protector ng droga.

Matapos pangunahan ang paglansag sa malaking shabu laboratory at mahuli ang 10 Chinese national, paninira ang napala ni Sgt. Amante.

Ngunit nagsagawa na ng imbestigasyon ang pulisya at napatunayang, walang katotohanan ang ibinabatong mga bintang.

“Fabricated, ang terminong ginamit ni Supt. Rodney Ramirez, hepe ng Intelligence Branch ng Batangas PNP sa mga akusasyon kay Sgt. Amante.

Gawa-gawa, aniya, ang mga aksusasyon kay Sgt. Amante ng isa o mga taong may galit sa nasabing negosyanteng alagad ng batas.

May kasabihan nga na “You can’t put a good man down”.

Kaya mamatay kayo sa inggit.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply