‘Asset’ ng pulis binoga sa riles ng tren

PATULOY na nakikipaglaban kay kamatayan ang isang 30-anyos na lalaki matapos pagbabarilin dahil umano’y napagkamalang asset ng pulis habang naglalakad sa gitna ng riles ng tren nitong Biyernes ng tanghali, Mayo 6, sa Tondo, Manila.

Isang tama ng bala sa likurang bahagi ng ulo, isa sa braso at isa sa likod ang tinamo ng biktimang si Rey Reyes na umano’y striker ng Station 7 ng Manila Police District.

Mabilis namang tumakas ang itinuturong suspek na nakilalang si Jeff Ibasco na sinasabing naglalagi sa Lambakin sa Marilao, Bulacan.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO2 Ramon Torrefiel, dakong 11:45 ng tanghali nang maganap ang nasabing krimen sa riles ng tren sakop ng Batangas st. sa Tondo.

Nauna rito, inutusan umano ng isang pulis ng nasabing istasyon si Reyes sa nasabing lugar at nang mamataan ito ng suspek ay  bigla na lamang binaril ng tatlong beses bago naglakad papalayo bitbit ang isang .38 paltik na de-bolang baril.

Napag-alaman ng pulisya na matagal ng wanted sa batas si Ibasco dahil na rin sa kasong pagpatay noong nakaraang taon at sangkot din ito sa droga at sa sunud-sunod na holdapan sa Metro Manila. Rene Crisostomo

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply