‘Athlete of the Century’ ihahayag kay Pacquiao

PINANGUNAHAN ni House Speaker Feliciano “SB” Belmonte ang mga mambabatas sa pagbati kay Saranggani Rep. Manny Pacquiao matapos nitong manalo laban sa boksingerong Amerikano na si Sugar Shane Mosley at mapanatili ang kaniyang korona sa WBO Welterweight Division.

Bagama’t siya ay kasalukuyang dumadalo sa 18th ASEAN Leaders Summit sa Jakarta, Indonesia ay sinabi ni Belmonte sa kaniyang ipinadalang pahayag na tunay na si Pacquiao ang “pound-for-pound king.”

Binanggit din ni Belmonte ang ipinamalas na lakas at galing ng kongresista na aniya’y nag-iisang boksingero sa buong mundo na “eight-division world champion”, kauna-unahang boksingero sa kasaysayan na nagtamo ng 10 world titles sa walong magkakaibang divisions.

Mula sa Batangas ay inihayag naman ni Rep. Mark Leandro Mendoza na muling binigyan ni Congressman Pacquiao ng panibagong karangalan ang Pilipinas.

“It’s another honor for the country from the people’s champ Congressman Manny Pacquiao. Congratulations to him and our country,” ani Mendoza.

Ani pa nito, isa siya sa lalagda sa resolusyon na nagsusulong na mabigyan ng parangal bilang “Greatest Filipino Athlete of the Century.”

Naunang inihayag ni House Deputy Speaker Raul Daza sa Remate Online, bago pa man ang laban kahapon, ang naturang resolusyon ang nakatakda nang ipagkaloob ng Kamara sa pagbabalik nito sa Mayo 16.

Sa panig naman ni ALAGAD Partylist Rep. Rodante Marcoleta ay sinabi niyang ang panibagong pakikipaglaban ni Pacquiao sa kahirapan ang siyang higit na nagbigay ng lakas upang mangibabaw ang kaniyang galing at muling magtagumpay sa boksing.

“Rep. Pacquiao’s focus for national unity may have given him additional strength in conquering even a much experienced and fearsome opponent,” aniya.

Maging si Quezon Rep. Wilfrido Enverga ay nagsabing walang kapantay ang determinasyon na ipinakita ni Rep. Pacquiao.

”It was really inspiring to see our fighting congressman and colleague, battling in extreme focus and determination in this fight. His speed and power were obviously feared by Mosley. Cong. Manny’s victory makes me and most definitely the Filipino people is ‘Proud to be Pinoy’,” ani Enverga.

May pagmamalaking sinabi naman ni Quezon City Rep. Winston “Winnie” Castelo na, “I am proud to be his colleague. Let’s celebrate Pacquiao’s latest victory as he now unleashed his biggest fight to eradicate poverty in the country with his charisma, leadership and generosity.  His new crusade will be his greatest legacy.  I (will) join him in this fight.”

 

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply