‘Balay’ vs ‘Samar’

UMIINIT ang balitaktakan tungkol sa ulat na napipintong pagbabalik ni dating Sen. Mar Roxas sa government public service.

Habang sinusulat natin ito ay may balitang pinirmahan na ni Pangulong Noynoy Aquino ang appointment ni ‘Mr. Palengke’.

Natapos na kasi noong Mayo 11, 2010 ang ‘ban’ sa appointment  para sa mga tumakbo noong May 2010 election ngunit natalo.

Si Sen. Roxas ay kapartido ni Pangulong Aquino sa Liberal Party at tumakbong Bise Presidente, subalit di nagwagi.

‘Chief Trouble shooter’, isang posisyon na ‘tailor-made’ ng Malacanang ang magiging puwesto raw ni Roxas.

Ang ulat na magkakaroon si ‘Mr. Palengke ng puwesto sa Aquino government ay nagsimulang umalingawngaw pagkatapos lamang ng May 2010 election.

Sa media reports, maiinit na tinatalakay ang nalalapit na pagpasok muli ni Roxas sa trabaho na kanyang nakagisnan.

May mga di pumapabor sa pagtatalaga at pagbibigay sa kanya ng trabaho ni PNoy, pero marami rin naman ang sumasang-ayon.

Inggitan sa panig ng ‘Balay’ na identified kay Sen. Roxas at ‘Samar’ ni Executive Secretary Jojo Ochoa ang nakikitang ugat ng away ng dalawang grupo.

Dahil, kapag napuwesto si Roxas, mababawasan ang kapangyarihan ni ES Ochoa. Kumbaga, magkakasapawan ang dalawa.

Sa madali’t sabi, kapangyarihan sa kasalukuyang gobyerno ang pinag-aawayan ng ‘Balay’ group at ‘Samar’ group.

Sa ngayon kasi, ang mga matataas na puwesto at yaong mga tinatawag  na ‘juicy’ position sa pamahalaan ay mula sa dalawang grupo.

Sa napipintong pag-upo ni Sen. Roxas, natatakot ang mga nakapuwestong ‘Samar group na baka sagasaan sila ng ‘Balay group.’

May ulat kasi na babawasan ang kapangyarihan ng ES at ibibigay ito kay Sen. Roxas kapag siya’y na-appoint na.

Ayon sa ulat, administratibo na lamang daw ang magiging trabaho ni ES Ochoa.

Ang paper works, partikular na ang kapangyarihan sa appointments at political decisions ay hahawakan ni Sen. Roxas.

Sa ganang atin, ‘di dapat mag-away ang dalawang grupo. Dahil sa kanilang bangayan, si PNoy ang tinatamaan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply