‘Bebeng’ patungong Aurora, Isabela

TINATAHAK ngayon ng bagyong Bebeng ang direksyon ng Aurora at Isabela kung saan napanatili ng bagyo ang kaniyang lakas.

Ipinahayag ni Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa)  forecaster Buddy Javier, dadako si “Bebeng” bandang alas otso ngayong umaga sa naturang mga lugar.

Sa pinaka-latest forerecast ng Pagasa-DOST, ang sentro ng bagyo ay namataan sa layong 60 kilometro timog silangan ng Casiguran, Aurora.

Taglay pa rin ang lakas na umaabot sa 85 kilometers bawat oras malapit sa gitna at may pabugsong hangin na aabot sa 100 kilometro kada oras.

Kumikilos ang bagyo sa direksiyong pahilaga hilagang kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.

Inaasahan bukas ng umaga ang bagyo sa layong 70 kilometro sa hilaga ng Aparri, Cagayan.

Nabatid na nakataas ang public storm signal number 2 sa mga lugar na kinabibilangan ng Aurora, Isabela, Quirino, Nueva Viscaya, Ifugao, Mt. Province, Kalinga at Cagayan.

Habang signal number 1 naman ang lugar ng Camarines Norte, Northern Quezon, Polillo Island, Nueva Ecija, Benguet, Ilocos Sur, Abra, Ilocos Norte, Apayao, Babuyan, Calayan group of Islands at Batanes.

Wala namang storm signal ang naitala sa Metro Manila ngunit makararanas pa rin ng mga pag-ulan dahil sa buntot ng bagyo.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply