‘Binay for prexy’ sa 2016 nakapako sa kapalit ni Merci

KUNG sakaling hindi kaalyado ni Bise Presidente Jejomar Binay ang magiging susunod na Ombudsman, tiyak madidiskaril ang ambisyon nito sa 2016 presidential elections, ayon kay Sen. Miriam Defensor Santiago.

Sa panayam via phone patch nitong Miyerkules, Mayo 4, sinabi ni Santiago na tumitindi ang bangayan ng dalawang grupo sa Palasyo sa isyu ng kung sino ang mauupong Ombudsman.

Mahigpit na inerekomenda din ni Santiago na italaga ni Pangulong Benigno Aquino III ang pinsan nitong si dating Defense Secretary Gilbert Teodoro, na tinalo ng Pangulo sa huling halalan.

Nauna nang tinanggihan ng senadora ang alok na nominasyon sa pagka-Ombudsman.

“If the (next) Ombudsman is not a Binay fan, he or she can cripple Binay’s trajectory in 2016 presidential election simply by publishing the cases in Sandiganbayan. That is how political it is,” giit ni Santiago.

Sinabi nito na marami pang kasong nakahain laban kay Binay na hindi nareresolbahan ng Sandiganbayan partikular ang kasong overcharging ng pagbili ng furniture na ginamit sa Makati City Hall habang nanunungkulan ang bise presidente bilang alkalde ng lungsod.

“Let me just say for example, there are a lot of pending cases in the Ombudsman. One of  those… cases is the case against Vice President Jejomar Binay who was charged with overcharging of furniture in the Makati City Hall,” giit ni Santiago.

Sa kasalukuyan, aniya, tumitindi ang bangayan ng dalawa sa maraming paksyon ngayon sa administrasyon ni Pangulong Aquino na nag-uunahan upang makontrol kung sino ang iuupong susunod na Ombudsman upang makontrol naman ang presidential election sa 2016.

“I can perceive that there is on-going power struggle among the various squabbling groups within the administration.  Some of these political groupings think that if they control the Ombudsman, they will control the presidential election in 2016,” giit ni Santiago.

Isa si Supreme Court Justice Conchita Carpio-Morales sa kandidato ng isang grupo na hindi pinangalanan ni Santiago.

Dalawa lamang ang grupong malalaki sa loob ng Palasyo—ang “Balai Group” ni dating Sen. Mar Roxas at “Samar Group” ni Binay.

“All the Ombudsman needs to do is to file anti-graft cases against the rival of their own candidate and, even worst, file the cases before the Sandiganbayan. That would effectively handicap the competitor,” dagdag pa niya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply