‘For Sale,’ Maritime Training Certificates

ISANG matagal nang kalokohan na umiiral sa maritme industry ay ang pagbebenta ng
mga training certificates sa mga seaman na sabik makasampa ng barko.
Marami sa mga naglipanang maritime training centers ang sa ngayon ay direktang
nagbebenta ng mga training certificates sa mga seaman na hindi naman aktuwal na
sumailalim sa training.

Kumbaga, idinaan sa expresslane ang training nila kuno!

Ayon sa source, kahit non-appearance ang isang seaman ay puwedeng magkaroon ng
training certificate basta’t may kapalit na tamang presyo.

Umaabot hanggang P12,000 ang halaga ng isang training certificate tulad ng Basic
Safety Course o ng dating tinatawag na Safety Of Life At Sea (SOLAS) na ang
karaniwan bayad lamang ay P5,000 hanggang P6,000.

Dagdag pa ng source, lumalaki lang ang presyo ng mga training certificates na
“for sale” kung sa mga kumplikadong courses kumukuha ng sertipiko ang isang
aplikanteng seaman.

Ang ipinagtataka ko ay kung bakit nakakalusot ang mga training certificates na
ito sa mga opisyales ng Maritime Training Council, ang pinakamataas na governing
body ng maritime industry. Iyan ay sa kabila ng mga impormasyon na alam nila ang
kalokohan ito.

Ilan sa mga training centers na ito na nagbebenta ng mga training certificates
ay matatagpuan sa  Sta Cruz,  Intramuros, Quiapo at Malate, Maynila na mga
parang mga kabuteng nagsulputan.

At dahil sa nasabing raket, nagkakamal ng limpak-limpak na salapi ang mga nasa
likod ng mga training centers na ito na kataka-takang pinahihintulutan ng
tanggapan ng Philippine Regulation Commission (PRC).

Kasabwat umano ang ilang mga opisyales ng mga manning agencies na nangangasiwa
sa recruitment ng mga seaman.

Dito natin tinatawagan ng pansin ang mga tanggapang direktang may kontrol sa
maritime industry gaya ng Philippine Maritime Training Council, PRC, MARINA at
TESDA ni Director Joel Villanueva.

Sa susunod…abangan ang iba pang samu’t saring anomalya sa mga Review Centers,
PRC at TESDA na bumibiktima sa mga seaman!
* * * * * * * *

Anumang reklamo, komento o suhestiyon, text o tawag lang sa 0999-4333437 o
kaya’y e-mail lang sa boyetmunar@yahoo.comat malugod ko kayong paglilingkuran!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply