‘Giyerang pulitikal’ sisiklab sa Cha-Cha

MALAKI ang paniwala ng isang senador na sisiklab ang “giyerang pulitikal” sa pagsusulong ng Mababang Kapulungan sa Charter Change dahil bukod sa naghahanap lamang ng sakit ng ulo ang supporters nito ay magkakaroon pa ng pagkahati-hati sa lipunan.

Ayon kay Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano, mas maraming mahahalagang panukalang batas na dapat pagtuunan ng Kamara de Representantes kaysa ubusin ang oras ng Kongreso sa pagsusulong ng Cha-Cha na isang lubhang “divisive measure.”

“It’s a long process, it’s very divisive,” babala ng senador.

Sinabi pa ng senador na hindi dapat pagkaabalahan ng Kamara ang pagsusulong sa Cha-Cha tulad nang plano nitong magsagawa ng nationwide public consultation sa darating na araw dahil walang katiyakan na makalulusot ang panukala sa Senado.

“Duda ako dyan kung papatulan ng Senado dahil ayaw nila  ng ‘divisive’ na trabaho tulad ng naunsyaming impeachment trial ni dating Ombudsman Merceditas Gutierrez,” paliwanag ng senador.

Aniya, maraming panukalang batas na mas dapat bigyan ng kaukulang atensyon ng mga mambabatas at hindi ang pagretoke ng 1987 Constitution.

“FOI is an example, presyo ng langis is another example, taxation system is another example. Those issues deserve full attention rather than that,” giit ng senador.

Inamin naman ni Cayetano na makatutulong ang Cha-Cha para sa problema ng ating bansa pero hindi umano ito ang dapat asahan na siyang makakalunas sa lahat ng problema. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply