‘Ikaw ang Reyna; Bakit Ka Magpapatalo?’

NANAY, inang, mama, mamang, mamu, mommy, mudra….

Ilan lamang ang mga ito sa mga katawagan natin sa ating mga taong pinagkakautangan natin ng buhay.  Ngayon, bilang paggunita sa Mother’s Day o araw ng mga ina, ibigay natin sa kanila ang ating pagpupugay bilang pasasalamat sa kanilang walang sawang pagmamahal na walang hinihinging anumang kapalit.

Hindi nagwawakas ang pagiging ina kapag nailuwal na mula sa kanyang sinapupunan ang sanggol. May mga babae ring nagagawa ang mga sakripisyo na minsan ay higit pa sa isang tunay na ina bagama’t masasabing hindi mula sa kanilang sinapupunan ng itinuturing na anak.

Totoong hindi mapapantayan ninuman ang mga pagtitiis ng isang nanay sa kanyang anak. Ibibigay lahat kung ano man ang mayroon siya. Sabi nga, “Isusubo na lang, ibibigay pa sa anak.”

Mrs. Lidwina Morales

Si Mrs. Morales, ‘Madam’ kung tawagin ng kanyang mga empleyado, ay isang ‘working mom’ bukod pa sa pagiging teacher ng 15 taon sa Sienna College sa Quezon City.
Para kay Madam, maituturing niyang pinakamalaking sakripisyo ang paninimbang sa ugali ng kanyang limang anak at maging sa kanilang mga kasambahay.

Aniya, may mga pagkakataong pipilitin mong lunukin ang pride alang-alang sa anak.  “There are things na iswa-swallow mo yung ugali mo noong dalaga ka pa.  Kung nagkakasakit ang mga bata at wala sa tabi mo ang asawa mo, ikaw na ang nanay…ikaw pa ang tatay.  Andyan na lahat ng mixed emotions mo…emotionally, anxiety…pero nao-overcome din yun through prayers.  Ganyan lang ako parati; pag medyo confused na, dasal na lang ako palagi,” pahayag ni Mrs. Morales.

Sa pagdadala ng mga anak, aminado si Madam na hindi naging madali sa kanya bilang ina. “Medyo nahirapan at marami kaming pinagdaanan.”

Sa limang anak na sina Marielle, 26; Jessilyn, 24; Jason, 16; Jayson, 15; at Ezexiel, 5, masasabi niyang sa pangalawang anak sinubukan ang kanyang katatagan bilang ina.

Aniya, nagkaroon si Jessilyn ng tinatawag na “middle child syndrome”. Dahil gitna siya at agad nagkaroon ng kasunod, nagkaroon siya ng insecurity feeling.

“Feeling niya mas paborito namin ang panganay at bunso at nale-left-out siya.  Nasa Psychology yun. Totoo pala na mayroong ganun sa mga anak. Akala ko din sa libro lang yun. Pero inspite of that she is a very malambing person.”
Tama aniya ang kasabihan na, “natitiis ng anak ang magulang pero hindi ng magulang ang anak.”

“Kinausap ko siya nang kinausap. Hindi ako sumuko. Hindi siya makuha sa sabihin mong pagalitan. It turned out in our life na kahit pala sabihin na lang natin na gaano kasama ang anak mo, di mo rin matitiis. Actually I can say it na ang feeling ng mother is totally different  sa father… Ang mga lalaki perspective lang ang tingin nila, although am not saying na hindi nila mahal ang anak …

“’Then iba talaga ang sa mother… ýun bang tayo lang ang nakaiintindi.  Siyempre, sinasamahan ko din ng sangkaterbang dasal at novena.”

“I also learned that from my mother noon pa, at yan ang parati niyang reminder sa amin, lalo na nung nakapag-asawa kami, na huwag bumitaw kahit anong klase ng problema.”

“Tsaka hindi ko makalimutan ang advice ni mama…let’s say sa mag-asawa, kapag nagkakaroon kayo ng problema dahil hindi naman maiiwasan iyan…huwag na huwag kayong lumayas sa pamamahay ninyo… never give up….

“Darating ang panahon na hindi kayo susuyuin ng asawa ninyo….that’s your home… ikaw ang reyna kumbaga…bakit mo iiwanan…bakit ka magpapatalo…? The moment na umalis ka ng bahay…wala ka nang babalikan…maliban na lang daw kung  ikaw ay brutally na sinasaktan…pero kung petty things lang daw…konting tampuhan lalayas, hindi magandang ugali yan,” paglalahad pa ni Madam.

Masaya ding ibinahagi ni Mrs. Morales ang husband and wife relationship nila ni Capt. Gaudencio ‘Jess’ Morales. Sa awa ng Diyos, nalampasan na nila ang mga pagsubok sa buhay mag-asawa at buhay pamilya.

“In fact this coming June 10, 2011 we will be celebrating our 33rd anniversary.  Plus four years lagi yan dahil apat na taon kaming mag-on bago nagpakasal.”

“Yung sa aming dalawa naman is very challenging kasi nasa malayo siya at that time…syempre yung adjustments,” wika pa ni Madam, na tinutukoy ang panahon ng asawa bilang seaman.

Mensahe sa kapwa niya mga ina:

Sa pagdiriwang ng Mother’s day, napakahalaga aniya ng time management o pagbabalanse ng atensiyon sa mga anak at asawa.

“Kasi minsan may mga iba na nagseselos ang asawa. Bakit mas focus sa mga anak… I know somebody na more on anak na lang nakabuhos ang atensyon…. Nababalewala na ang asawa.”

“Ang asawa kasi panganay na anak mo yan eh ….they also want to be pampered… naiintindihan din naman ng asawa mo na hindi ka superwoman. I also have my shortcomings at ino-ovecome ko naman yun.”

“Dapat sa mga misis kung working mother man…ibalanse ang trabaho at time for the family.”

Mensahe ng mga anak:

Marielle: “Happy Mother’s Day to the best mom in the world…thank you po for the untiring love and support and unconditional love and guidance you’ve been giving me, Kila and Reynold.  We love you always and you know that we are here for you no matter what happens. We love you very much…Happy Mother’s Day.”

Jessilyn: “Happy Mother’s Day, Ma.  You know that you are the most important person in my life and I’m very thankful and lucky to have you as my mother. Alam ko po na in good times and bad times, you were always there beside me, listening and comforting me in your very special own way. I wish you all the best… long life, good health. And may you be happy always.  I love you so much.”

Reynold (son-in-law):  “Mommy, Happy Mother’s Day! We love you so much and thank you for everything.” MOTHER’S DAY SPECIAL

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply