‘Kaibigan’ ni Pilapil kinasuhan ng CIDG

KINASUHAN ng mga kasong kidnapping at frustrated murder ang kaibigan ng aktres na si Pilar Pilapil na kasama ng huli nang siya’y dukutin at tangkang patayin sa pamamagitan ng pagsaksak.

Sinampahan ng CIDG Special Investigation Task Group (SITG) ng kaso nitong Martes ng umaga si Rosel Jacosalem Peñas  sa prosecutor’s office sa Antipolo City.

Ayon kay CIDG director Chief Supt. Samuel Pagdilao Jr., kasama rin sa kinasuhan ang dalawang kasamahan ni Peñas na umano’y sumaksak kay Pilapil noong Abril 14, 2011.

Maiisyuhan ng warrant of arrest si Peñas at dalawang kasamahan nito oras na mag-isyu ng resolusyong ang opisina ng piskalya, sabi ni Pagdilao.

Ayon sa hepe ng CIDG, sinundo ni Peñas si Pilapil sa Robinson’s Galleria Mall sa Pasig City bandang ika-9 ng gabi noong nakaraang Abril 14.

Sinabi ni Senior Supt. Joel Napoleon Coronel, hepe ng National Capital Region (NCR) Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), na naniniwala ang SITG na sadyang niloko ni Peñas ang biktima upang samahan siya.

Ayon pa rink ay Coronel, nagsinungaling din si Peñas kaya’t may posibilidad na ito ang nag-mastermind sa pagsaksak kay Pilapil.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply