‘Killer bus’ driver dadalhin sa Quezon City

DADALHIN na ngayon sa Quezon City Police District ang bus driver na nakapatay sa veteran journalist at UP professor na si Lourdes “Chit” Estella-Simbulan para harapin ang tinakasang kaso.

Sumuko na kagabi ang Universal Guiding Bus driver na si Daniel Espinosa kay Davao City vice mayor, Rodrigo Duterte, Huwebes, alas-siyete ng gabi, matapos itong magpatulong sa kanyang mga kaanak sa Toril, Cavao City.

Aagapayan si Espinosa pabalik ng Maynila ng kapatid at ilan sa mga tauhan ng Investigation and Detective Management Branch (IDMB) ng Davao City Police Office (DCPO) at si Duderte.

Isinalaysay ni  Espinosa na wala siyang balak na takasan ang kaso pero ang sobrang takot umano ang kabilang sa dahilan kaya umuwi muna siya ng Davao bago sumuko sa tulong ng ilang kaanak.

Matapos ang insidente noong gabi ng Mayo 13, sumakay siya ng bus na Ro-Ro biyaheng Davao.

Habang nagtatago, nalaman din niya na meron na palang reward na inilaan ang MMDA na P100,000 para sa kanyang ikadarakip.

Gayundin ang panawagan ng kanyang misis na si Virginia Espinosa na umaapela sa kanya na lumutang na at harapin ang kaso.

Sa ngayon, nakahanda siyang harapin ang kanyang kaso sa Quezon City.

Labis na ikinatuwa naman ng asawa ng bus driver ang pagsuko nito sa mga awtoridad.

Ayon kay Virginia, masaya siya kahit papaano sa paglutang ng mister dahil masasagot na ang dapat sagutin kaugnay sa insidente na ikinasawi ni Simbulan.

Maluwang na rin daw ang kaniyang pakiramdam sa paglutang ng asawa at hinihintay na lamang ni Virginia ang pagpunta nito sa Metro Manila.

Magugunitang sa pagkawasak ng taxi na sinasakyan ni Simbulan dahil sa nakabanggang bus na minamaneho ni Espinosa, agad namatay ang una.

Nitong nakalipas na Martes ay na-cremate na ang labi ng biktima.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply