‘Palusutan’ sa BUCOR bukinggg!

KAPAG ika’y minamalas ..…kahit iwas ka nang iwas, eh, dumarating ang mga kontrobersiya at nagaganap ito kay Pangulong Noynoy Aquino.

Katulad ng nabuking  na ‘takasan’ o ‘palusutan’ ng mga ‘high profile’ prisoner sa Bureau of
Correction (BuCor).

Kuhang-kuha ng ABS-CBN  ang paulit-ulit na pagtakas ni ex-Gov. Antonio Leviste sa kanyang kulungan sa Bilibid Prison.

Si Leviste, dating gobernador ng Batangas ay nahatulan ng habang buhay na pagkabilanggo sa pagpatay sa kanyang driver.

Tila, ‘di na hinihiwalayan ng kontrobersiya ang gobyerno. Dahil sa panibagong isyu na ito, tiyak may latay na naman si P-Noy.

‘Di kuwestiyon ang pagiging ‘honest’ at galing ng Pangulo sa trabaho, ang problema ay ang mga nakapaligid na namumuno.

Ang nais ni Pangulong Noynoy ay ‘matuwid na daan’, pero ang ilang mga opisyal na binigyan
ng posisyon, ayaw umalis sa liko-likong daan.

Yan ang totoo at ‘di ang sinisising media ang dahilan kaya patuloy na bumabagsak ang kasikatan at rating ng Pangulo.

Kung walang kalokohan na nakikita ang sambayanan, walang maiuulat na negatibong balita ang media sa pamahalaan.

Ang ibinuking na ‘palusutan’ ng mga kilalang preso sa BuCor ay magdadala ng negatibong pananaw sa pamahalaang Aquino.

Ang ibig lang sabihin eh, ‘di nawawala kundi nananatili pa rin ang nagaganap na iregularidad sa loob ng Pambansang kulungan.

Alisin na natin ang duda na may kinalaman si BuCor Dir. Ernesto Diokno at isisi ang pagpapatakas kay Leviste sa ibang prison official.

Pero sa principle of command responsibility, ang sisi ay kay Diokno, ‘di sa mga opisyal na nagpapatakas sa dating gobernador.

Katulad din niyan sa nangyayaring kapalpakan ng ilang government official na ang sisi sa huli ay ang Pangulong Noynoy Aquino.

Sa kaso ni Diokno na maituturing na napakalaking isyu, siguradong puro negatibong komento
na naman ang aabutin ni PNoy.

Pagbabago ang minimithi ng kasalukuyang gobyerno pero sa nakikita natin, tila, lalo yatang nababaon sa putik ang Pinas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply