Pamamahagi ng ‘Pantawid Pasada’ card maayos – DOE

INAASAHAN ng Department of Energy (DOE) na ang pamamahagi ng cards para sa “Pantawid Pasada” o Public Transport Assistance Program (PTAP) ng gobyerno ay mananatiling maayos at mahusay.

Sinimulan ng DOE ang pamamahagi ng “Pantawid Pasada” cards noong Lunes sa Camp Crame grandstand sa Quezon City.

Sinabi ni Energy Secretary Jose Rene Almendras na ang programa ay ginawang posible sa pamamagitan ng sama-samang pagsisikap ng iba’t ibang miyembro ng Inter-Agency Energy Contingency Committee (IECC).

Pinasalamatan ng DOE ang transport groups sa kanilang suporta sa programa.

Natiyak ang mahusay na pamamahagi ng 3,000 cards noong Lunes dahil sa koordinasyon ng iba’t ibang grupo ng transportasyon, tulad ng: Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (Fejodap), Pangkalahatang Sanggunian Manila and Suburbs Drivers Association (Pasang Masda), Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (Altodap) at Land Transport Organization of the Philippines (LTOP)

Patuloy ang pamamahagi ngayong Miyerkules at Huwebes ng mga card sa Camp Crame grandstand para sa mga jeepney na ang ruta ay mula sa Alabang.

Sa Biyernes, Mayo 6, makakakuha ng kanilang card ang mga drayber ng jeepney na ang ruta ay nanggagaling mula sa A. Luna, A. Rivera, A. Bonifacio, Almanza, Amorsolo, Amparo, Angono, Anonas-Aurora, Antipolo, Araneta UN, Arroceros, at Ayala.

Sa Lunes, Mayo 9, ang ikalimang pangkat ng mga jeepney mula sa Baclaran ay magsisimulang makakuha ng kanilang cards, kasunod sa Mayo 10 ng mga jeepney mula sa Bacood, Bagbaguin, Bagong Barrio, Bagong Nayon, Bagong Silang, Bagumbayan, Bagumbong, Balara, at Balic-Balic.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply