‘Wild shrub’ naghatid ng kabuhayan

HALOS hindi makapaniwala ang mga residente ng Barangay Ilijan sa Bago City, Negros Occidental na maghahatid ng kabuhayan sa kanilang komunidad ang isang uri ng damo (wild shrub) na ginagamit lamang nilang feeds o pakain sa mga alagang baka at kalabaw.

Subali’t nang dumalaw ang dye experts mula sa Department of Science and Technology- Philippine Textile Research Institute (DOST-PTRI), nasorpresa ang mga residente nang malamang mas malaki pala ang iaakyat na kita o makatutulong palang makadagdag sa kanilang kabuhayan ang naturang damo na matagal nang binabalewala at ginagawang feeds sa mga hayop.

Ang wild shrub o damo ay tinatawag na tagum (Indigoferatinctora) na malayang tumutubo at dumarami sa mga tuyong lugar, tropical places (low and middle altitudes) gaya ng Brgy. Ilijan. Dahil sa sagana ng mga damong ito at kakulangan ng kaalaman ng mas malaki pang pakinabang nito sa mga residente, matagal ding panahon na hinahayaan lamang ang tagum na dumami na ng todo.

Walang ideya ang komunidad na ang tagum ay nagtataglay ng mataas na commercial value bilang natural dye at malaking oportunidad bilang alternatibong pangkabuhayan sa mga taga-Ilijan.

Lalong ikinamangha ng mga residente na bukod sa nasabing ‘wild shrub’ na ito, marami pa palang mga puno at halaman sa kanilang lugar ang potensiyal na mapagkukunan ng natural dye.

“The country is actually very rich in natural resources that can be used to produce high value products, such as natural dye,” ayon kay DOST Secretary Mario Montejo.

“These kinds of products have a huge demand nowadays, especially with the back-to-nature trend,” dagdag pa ng kalihim.

Nakukuha ang natural dye sa pamamagitan ng pagproseso ng mga dahon ng tagum.

Ibinababad sa tubig ang mga dahon nito at dumadaan sa ‘fermentation’ para i-convert ang natural blue color nito na kung tawagin ay glycoside indicant upang maging ‘blue dye’ na kung tawagin ay “indigotin.”

Ang naturang sangkap ay inihahalosa “strong base” gaya sa “lye,” minamasa para maging solido o gaya ng isang cake, pinatutuyo at saka pinupulbos. Kapag naihalo sa iba pang substances, nakapagpo-prodyus ang powder ng iba’t ibang kulay asul at purple shades.

Ang mga residente ng Ilijan, sa pamamagitan ng mga pagsasanay ng DOST-PTRI, ay hindi lamang natuto kung paano mag-extract ng indigo dye mula sa damo ng tagum at sa paggamit ng ‘steeping liquor’ sa pagkukulay at pag-prodyus ng indigo cake. Naging skilled din sila sa pag-a-apply ng ‘crude indigo extract’ sa abaca at piña. Nakatulong din sa kanila ang nasabing mga pagsasanay na makita at mapakinabangan ang malaking pagkakataon na magkaroon ng kabuhayan mula sa tagum, ang biyaya mula sa kabukiran.

“Since tagum can readily be cultivated as intercrop and requires little tending, the farmers could still focus on their farming activities,” ayon sa isang PTRI expert.

Bukod dito, ang potensiyal na magkaroon ng karagdagang pagkakakitaan mula sa indigo ay nakatutulong din na magkaroon ng pagkakaisa sa komunidad.

Sa Pilipinas, pinangungunahan ng DOST-PTRI ang pananaliksik at technology transfer para sa produksiyon ng natural dyes.

Nabatid mula sa DOST na ang indigo ang pinaka-karaniwang hinihiling na kulay ng mga kliyente nito sa dyeing services at prototyping.  Sa pamamagitan ng technology transfer program ng DOST-PTRI, ang potensiyal ng tagum ay magbibigay ng mga kabuhayang nakarating na sa mga komunidad ng Negros.

Ang technology transfer ng natural dye production sa pamamagitan ng paggamit ng tagumay joint project ng DOST-PTRI at ng Non-Timber Forest Products – Task Force (NTFP-TF), isang  collaborative network na itinatag para tugunan ang mga pangangailang pangkabuhayan ng upland forest peoples, partikular ang mga umaasa sa NTFP.

Gaya ng Ilijan, marami pang mga komunidad sa bansa ang biniyayaan ng masaganang likas na yaman o natural resources na nagsisilbing materyales raw ng high value products.

Kapag natutunan ng mga tao ang angkop na mga teknolohiya para maging ganap na produkto, nagbubukas ito ng mga oportunidad para sa karagdagang pagkakakitaan o pangmatagalang negosyo.

Ito ang layunin ng technology transfer program ng DOST.  Partikular para sa DOST-PTRI, na nagsasagawa ng mga pagsasanay sa buong bansa para isulong ang mga produkto mula sa mga katutubong materyales, na siya namang magsusulong sa lokal na industriya ng tela o textile industry sa bansa.

“At the end of the day, DOST sees its locally developed technologies such as natural dyes helping raise the quality of life of every Filipino,” dagdag na pahayag pa ni SecretaryMontejo. Linda Bohol

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply