‘You Light Up My Life’ composer nagpakamatay

ISANG award-winning songwriter ang natagpuang patay sa kanyang sariling apartment sa Manhattan, New York.

Ayon sa ulat, hinihinalang nagpakamatay si Joseph Brooks kung saan may natagpuan ang mga pulis na suicide note malapit sa kanyang katawan.

Ayon kay Paul Browne, spokesman ng pulisya sa naturang lugar, naglagay ito ng dry cleaning bag sa kanyang ulo at pinuluputan ng tuwalya ang kanyang leeg. May hose na nakapaloob sa naturang bag na nakakabit sa isang helium tank.

Nakilala si Brooks nang manalo siya sa Academy Award for Best Original Song taong 1977 sa sikat na kantang “You Light Up My Life”. Nanalo rin siya ng Grammy Award para sa naturang kanta.

Nakatakdang i-autopsy ang bangkay ni Brooks para malaman ng mga awtoridad ang sanhi ng kanyang pagkakamatay.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply