1.5 milyon tambay pa sa loob ng 5 buwan

WALANG duda na lalo pang tatambak  ang bilang ng mga jobless sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Aquino dahil sa kawalan ng malinaw na roadmap para matugunan ang lumolobong unemployement sa bansa, base sa pag-aaral ng iba’t ibang sector.

Isinisi  sa palpak na administrayon ni PNoy ang paglobo ng unemployment sa bansa na sinasabing umakyat sa 11.3 million dahil mga maling hakbangin o pamamalakad ng gobyerno.

Ayon sa isang pahayag na ibinigay ni Professor Ben Diokno, isang ekonomista, mali ang ginagawang hakbang ng kasalukyang administrasyon.

Sa isang  radio interview, binigyang pansin ni Professor Diokno ang pagtitipid sa pondo ng gobyerno sa harap ng patuloy na tumataas na bilang ng mga Pilipinong walang trabaho.

Sinabi ni Diokno na kailangang gumawa ng maraming proyekto ang pamahalaan para mabigyan at matulungan ni Pangulong Aquino ang mga Pilipino at mapababa ang unemployement rate ng bansa.

Sa  halip na magkaloob ng limos sa mga maralitang mamamayan sa pamamagitan ng Conditional Cash Transfer program na kinopya lamang sa nakalipas na administrasyon na lilinang lamang sa kultura ng katamaran na siyang magpapalobo pa sa bilang ng mga tambay.

Ayon pa sa dating budget secretary dahil sa ginawang pagtitipid ng administrasyon ay naapektuhan rin ang serbisyo na inaasahan ng publiko at hindi nakakarating sa masa ang ipinagmamalaki nitong paglago ng GDP ng bansa.

Iminumungkahi naman ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) sa Aquino administration na doblehin pa ang hakbang para makahikayat ng maraming investors sa Pilipinas na isa sa mga tugon  sa lumalalang problema ng kawalan ng trabaho sa bansa.

Batay sa pinakuhuling pag-aaral ng Social Weather Stations (SWS) nitong Marso, umaabot na sa 11.3 milyong Pinoy ang istambay ngayon kumpara sa 9.9 milyon na walang trabaho noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Nabatid na lumalabas din na lumobo ang unemployement rate sa bansa base sa SWS survey sa loob lamang ng limang buwan mula sa 23.5 percent nitong nakalipas na Nobyembre ay umakyat ito sa 27.2 bahagdan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply