Koreana, Pinoy patay sa loob ng hotel

NATAGPUANG patay ang isang Koreans at isang Pinoy na parehong may tama ng bala sa katawan at nakahandusay sa loob ng tinutuluyang hotel sa Malate, Maynila.

Kinilala ang mga biktima na sina Emmanuel Andrew Rey Agudo, tinatayang nasa 30-35 anyos, ng 124 Rizal Ave., Nagcarlan, Laguna.

Ang Koreana naman ay nakilalang si Kim Ming Jung, 25-30 anyos, na pansamantalang nanunuluyan sa Eurotel Hotel sa Pedro Gil St. sa Malate.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung sino ang salarin at kung papaano naganap ang nasabing insidente.

Ayon sa mga imbestigador, posibleng may kinalaman ang isa o parehong biktima  o pinasok ng armadong salarin ang silid.

Nabatid sa ulat ng Manila Police District (MPD) – Homicide Section na nag-check in ang Koreana noong Lunes, dakong ala-una ng hapon, sa Room 320 ng nabanggit na hotel.

Kinabukasan, dakong alas-dose ng tanghali, ito nakatakdang mag-check out, ngunit hindi ito lumalabas ng kanyang kwarto.

Nang katukin ang silid ay walang sumasagot kaya’t napilitan ang mga namamahala ng hotel na buksan ito sa pamamagitan ng duplicate key.

Pagbukas ng pinto ay natagpuang nakahandusay ang dalawa sa ibabaw ng kama na wala nang buhay. Agad tumawag ng pulis ang mga namamahala ng establisamyento.

Nakarekober ng isang baril ang mga awtoridad sa loob ng silid.

 

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply