Rebelde utas sa sagupaan sa Agusan del Sur

ISANG kasapi ng communist New Peoples Army ang napatay nitong Linggo matapos ang isang sagupaan habang dalawang mataas na kalibreng baril ang nasamsam ng mga tauhan ni Army chief Ltgen Arturo Ortiz sa bulubunduking bahagi ng  Agusan del Sur, ayon sa report ng military.

Base sa report na kanyang natanggap, inihayag ni Ortiz na isang hot pursuit operation ang nagaganp laban sa mga tumakas na rebelde kasunod ng naganap na sagupaan ala-dieys ng umaga sa bisinidad ng Barangay New Tubigon, sa bayan ng Sibagat.

Ayon kay Ortiz kasalukuyang nagsasagawa ng combat patrol operation ang mga elemento ng Army 42nd at 26th Infantry Battalion sa area ng mamataan ang isang pangkat ng NPA.

“[The] said firefight lasted for 10 minutes, after which enemy withdrew [toward the] north direction of encounter site,” ani Ortiz.

Inabandona ng mga NPA gerilya na kabilang sa Guerrilla Front 21 ng North Eastern Mindanao Regional Committee ang bangkay ng kanilang kasamahan habang bitbit naman ang mga sugatan.

Kasamang nakuha sa tabi ng bangkay ang isang Armalite M16 riflerifle .

“[The] said troops are still scouring the encounter site and tracking enemy withdrawal,” anang  Army chief.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply