1 patay, 1 malubha sa pagsalubong ng Friday the 13th

NAMATAY ang isang security guard habang malubhang nasugatan ang isang kasama nito nang pagbabarilin ng dalawang kapwa security guard Biyernes ng umaga, Mayo 13, sa Iloilo mall, Iloilo City.

Ang namatay na biktima ay nakilalang si Jasper Aguilar, 32, dahil sa tinamong tama ng bala sa dibdib samantala ang kasama nitong si Ronnie Oreana ay nilalapatan ng lunas dahil din sa tumamang bala sa kanyang tagiliran.

Nadakip ng mga awtoridad ang mga suspek na sina Melvin Larwan, guwardya sa isang kompanya ng sasakyan at si Daryl Semillo, guwardya naman sa isang hotel.

Batay sa report ng pulisya ang insidente ay naganap dakong 5:00 ng umaga sa La Paz district nang lapitan ng dalawang suspek ang mga biktima dahil sa hindi pagkakaunawaan sa paglalagay ng harang na bakal sa mall.

Hihingi sana ng paumanhin ang dalawang biktima nang biglang bumunot ng baril ang mga suspek at pinagbabaril ang dalawang guwardiya na nagresulta sa pagkamatay ni Aguilar at malubhang pagkakasugat ni Oereana,

Nakuha sa lugar ng pinangyarihan ang mga basyo ng kalibre .9-mm pistol, ang baril na ginamit sa pamamaril sa mga biktima.

Sa kasalukuyan, iniimbestigahan ng awtoridad ang suspek na si Semillo na natuklasang may nakabimbing kasong robbery at pansamantalang nakalalaya dahil sa piyansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply