1 patay, 1 sugatan sa parak

UTAS ang isang lalaki habang nadamay naman ang isang ginang nang tamaan ng ligaw na bala na para sana sa una nang barilin ng isang tauhan ng Philippine National Police ang una matapos ang mainitang pagtatalo sa Tondo, Maynila Huwebes ng hapon, Mayo 26.

Nakilala ang biktimang si Rolando Bautista, walang hanapbuhay, residente ng Barangay 96 Zone 8 ng unang distrito ng Maynila ay na habang isinusugod sa Mary Johnston Hospital sanhi ng tama ng ligaw na bala.

Ang ginang na nakilalang si Amalia Laquiores, 45-anyos ng Llalana St.,Tondo, na tinamaan ng bala sa kaliwang pigi ay kasalukuyang inoobserbahan sa nasabing pagamutan.

Samantala, si PO1 Jonnel Medina, may-asawa, nakatalaga sa Regional Management Group ng Camp Bagong Diwa sa R. Papa, Taguig City ay kasalukuyang isinasailalim sa interogasyon ng MPD-Homicide Section, matapos ang nasabing insidente.

Batay sa ulat na isinumite ni Det. Danilo Vidad, may hawak ng kaso, naganap ang insidente bandang 4:00 ng hapon nang sa kahabaan ng Llalana St., sa Tondo.

Nauna rito, kasama umano si Bautista na nagsusugal ng Cara’y Cruz habang nakasukbit pa umano ang baril sa baywang nito.

Sinita ito ni PO1 Medina nagkaroon ng mainitang pagtatalo hanggang sa unang nagbunot ng baril si Bautista at nakaiwas lamang umano ang nasabing pulis at tumakbo naman si Bautista.

Dahil dito, nagkaroon ng habulan at pinapuputukan ni PO1 Medina si Baustista hanggang sa ito’y tamaan at aksidenteng nahagip din sa pigi si ginang Laquiores.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply