1 patay, 1 sugatan sa duwelo

PATAY ang isang 40-anyos na lalaki habang sugatan naman ang  19-anyos na binata makaraang mag duwelo sila ng patalim  sa Quezon City Sabado ng gabi, Mayo 21.

Namatay habang isinusugod sa  Fairview General Hospital ang biktimang si  Crisanto Lacsinto, ng 106 Banahaw St.,  Group 2, Area B, Barangay Payatas ng nasabing lunsod sanhi  ng tinamong  tama  ng saksak sa kanyang dibdib .

Inoobserbahan naman sa East Avenue Medical Center (EAMC) ang naka-duwelo nitong si  Froilan Llamanzares, ng Campoverde st. ng nasabi ring barangay sanhi ng tinamong hiwa sa noo at tama ng saksak sa katawan.

Batay sa ulat ng  Batasan Police Station 6 ng Quezon City Police District (QCPD), naganap ang insidente bandang  alas 6:45 ng gabi ng magpang-abot ang dalawa sa may Campo Verde street.

Sinasabing nang magkita umano ang dalawa ay bigla na lamang  silang nagtalo  hanggang sa kapuwa maghamunan at nagsipagbunot ng kani-kanilang dalang patalim.

Nagsaksakan ang dalawa hanggang sa kapuwa duguang bumagsak kung kaya agad na isinugod sa iba’t-ibang pagamutan.

Ayon sa QCPD-Criminal I nvistigation and Detection Unit (CIDU) hindi pa umano nila makausap si Llamanzares kung kaya hindi pa nila malaman kung ano ang naging dahilan ng duwelo. Alex Ching

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply