1 patay, 2 sugatan sa gumuhong tunnel

PATAY na ng makita ng search and rescue team ng isang private mining company ang  isa nilang minero na natabunan sa loob ng gumuhong tunnel sa Tuba, Benguet.

Ayon sa report na nakarating sa Philippine National Police (PNP) Command Operation Center, naganap ang cave-in bandang alas-dose Biyernes ng tanghali sa Liwliw, Ampucao, Tuba ng nabanggit na lalawigan.

Nabatid na kaninang 7:30 ng umaga ay natagpuan na sa isinagawang  retrieval operation ng private mining company ang bangkay ni Joey Marcos, 20, residente ng Taddian, Mt Province.

Dalawa pang kasamahang minero ni Marcos ang nailigtas, subalit kapwa sugatan. Sila ay kinilalang sina  Felino Pangpangek, 36, ng Bauco, Mt. Province, at si Soriano Dizon, 50, mula sa Sitio Liwliw, Camp 4, Tuba, Benguet.

Base sa report ng Benguet Provincial Police Office, pumasok sa naturang minahan ang tatlo at hindi inakalang guguho ito kahit pa malakas ang buhos ng ulan.

Nabatid na kinumpirma ng Tuba Municipal Police Station ang nangyaring pagguho sanhi ng maghapong pagbuhos ng malakas na ulan sa area.

Kasalukuyang nakalagak sa Cathedral of the Resurrection sa siyudad ng Baguio ang bangkay ng biktima.

Samantala, patuloy pa ring nagpapagaling sa ospital ang dalawa pang sugatan. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply