1 patay, 8 sugatan sa karambola sa QC

PATAY ang isang 25-anyos na babae habang walo ang nasugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Barangay West Triangle, Quezon City Lunes ng madaling araw.

Kinilala ang nasawi na si Vanesa Tuazon, 25, dalaga, tubong Davao City, ng San Gregorio St., Paco, Manila.

Ang mga nasugatan naman ay kinilala na sina: Alfredo Lim ng Paco, Manila;  Emerly Tolentino, 52; Jennifer Tolentino, 34; Rosette Tolentino, 21;  Mary Rose Tolentino, 17; Jenny Rose Buenbiaje, 16; Adrian Bautista, 14; at Jaisell Ryan Buenbiaje, 2.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District Traffic Enforcement Unit Traffic Sector 1, naganap ang insidente dakong ala-una ng madaling araw sa Quezon Ave. sa harap ng Metro Bank Barangay West Triangle, Quezon City.

Sa ulat ni SPO2 Felicisimo Cuaresma Jr., sakay umano ng kanyang Toyota Fortuner (ZEM-663) ang nasugatan na si Lim at binabagtas ang kahabaan ng ng Quezon Ave. nang sumalpok ang harapan ng sasakyan nito ng sasakyan ni Eduardo Tolentino, 56, negosyante  driver ng Toyota Fortuner (ZLR-129).

Sinabi pa ng pulisya na dahil sa lakas ng impact nasalpok naman ng ikalawang Toyota Fortuner ang minamanehong sasakyang Mitsubishi Pajero (ZNN-196) ni Francie Catasa, 49, ng Intramuros Village, Commonwealth Ave., Quezon City.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply