1 pinatay ni ‘Chedeng’, libong pamilya apektado

ISA ANG NASAWI samantalang 67,514 na pamilya o 328,968 katao sa pananalasa ng bagyong Chedeng sa Regions 5, 9, 10, 11 at Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Kumpirmadong nasawi makaraang malunod si Jaime Torillos, 70, ng Brgy. Biong Gigmoto, Catanduanes.

Kaugnay nito, batay sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nabatid na 53,840 pamilya o katumbas ng 262,374 na katao ang nagsilikas na karamihan ay mula sa Bicol Region.

Sa Bicol Region umabot sa 41,236 na pamilya o katumbas ng 200,424 na katao ang nagsilikas.

Tinatayang P11,461,983 ang pininsala sa imprastraktura at agrikultura ngunit ang pinakamalaking pagkasira ay dahil sa mga pagbaha mula sa Bukidnon at Davao del Norte.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply