10 lugar pa ang nasa signal No.1

DAHIL sa patuloy na paglayo ng bagyong Chedeng ay nasa 10 lugar na lang nasa signal number 1, iniulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ngayong hapon (Mayo 26).

Inalis na ng Pagasa ang signal number 2 sa mga lalawigang dating tinatahak ni Chedeng at ibinaba na lamang ito sa signal number 1.

Kabilang sa mga ito ay ang Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Quirino, Aurora, Polilio Island, Quezon Province, Cagayan at Isabela.

Hindi man mag-landfall si Chedeng ay inaasahan pa rin ang maulang panahon sa malaking bahagi ng Luzon dahil sa lawak ng kaulapang dala ng bagyo.

Ang sentro ni Chedeng ay huling namataan sa layong 300 kilometro sa silangan timog silangan ng Casiguran, Aurora.

Si Chedeng ay may taglay na ngayong lakas ng hangin na 175 kilometro bawat oras at may pagbugsong 210 kilometro kada oras.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply