10 ‘Magdalena’ dinakip

SWAK sa piitan ang 10 “Magdalena” na sinasabing nagbebenta ng panandaliang aliw sa Caloocan City Biyernes ng gabi, Mayo 13.

Kasalukuyan nakapiit ang mga babeng ito na may mga edad 22 hanggang 36.

Base sa ulat, dakong 10:30 ng gabi, nagpapatrulya ang mga pulis sa paligid ng Monumento nang mapansin ang mga kababaihan na nakatambay sa Araneta Square at ilang kalalakihan ang lumalapit.

Agad na nagbabaan ang mga pulis at nang mapansin ng mga bebot at parokyano ang mga una ay nagpulasan subalit 10 sa mga ito ang nadamba.

Nabatid na aabot sa P300 hanggang P500 ang hinihinging kapalit sa serbisyo ng mga “Magdalena.” Rene Manahan

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply