10 pagyanig naitala sa Bulkang Taal

NAG-ALBURUTO ang Bulkang Taal matapos makapagtala ng 10 pagyanig sa paligid nito sa nakalipas na magdamag, iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Bukod sa pagyanig, ayon sa Phivolcs, nakataas pa rin sa alert level 2 ang Taal at mahigpit pa rin na ipinagbabawal ang pagpasok ng sino man malapit sa bulkan dahil sa banta ng explosion at pagbuga ng toxic gases.

Bawal pa rin ang pagpapatayo ng bahay sa paligid ng bulkan dahil nasa Permanent Danger Zone (PDZ) ang paligid nito.

Dahil sa mga nakalipas na pag-aalburuto ng Bulkang Taal, itinuturing itong active volcano.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply