10 patay, 10,000 stranded: Patikim ng mga bagyo

PATUNGO na sa Taiwan at sa katunayan nakarating na roon ang bagyong si Bebeng.

Naging maulan na hindi  si Bebeng kaya naman may mga lugar siyang binaha at hindi. Pero pinaghahampas niya ng 100 kilometrong bilis ng hangin ang mga lalawigang dinaanan ng mata nito.

Ang resulta? 10 patay, 10,000 stranded sa biyahe at iba pang perhuwisyo.

Pati si Pangulong Noynoy ay stranded sa Indonesia  kahapon ng gabi dahil baka mapahamak pa siya sa pananalasa ni Bebeng.

Ang mga namatay ay nalunod, natabunan ng mga putik sa landslide, nadaganan ng mga poste ng kuryente, nalubugan ng bangka sa katubigan at iba pa. Kung saan-saan naman stranded ang mga pasahero: sa mga paliparan, sa mga pier at sa mga istasyon ng mga bus.

Walang kaibahan ang naganap na kamalasan sa ilalim ni Bebeng sa mga nakaraang sitwasyon.

Subalit dapat magsilbing susi para sa taong ito, sa panahon ng tag-ulan ang mga naganap ngayon.

Isa sa mga tanong: nagkaroon ba ng kabiguan ang mga awtoridad sa pagtaya sa bagyo at pagbibigay ng babala sa mamamayan? Bakit nagkaroon ng mga kamatayan at pagkabalam ang biyahe ng mga biyahero?

Madali na mahirap sagutin, mga Bro, ang mga katanungang ito. Dahil pinaghalong kontrolado at hindi kontrolado ng mga kinauukulan ang sitwasyon.

Pero ang mahalaga, may aral dapat na napulot lalo na ng mga kinauukulan lalo’t isipin natin na ilang araw na nagkaroon ng mga babala ngunit nagkaroon pa rin ng mga disgrasya at problema sa pagbibiyahe.

Mayroon lang tayong natatanging dapat na pag-ukulan ng pansin ng mga awtoridad.

Eto: sunod-sunod ang mga lindol na yumanig sa iba’t ibang bahagi ng mahal kong Pinas simula noong tinamaan ang Japan ng 9.0 na lindol.

Mayroon na bang mga sumilip sa ating mga kabundukan kung may mga naapektuhan sa mga ito at maaaring pagmulan ng mga landslide? Sa Compostela Valley, sa minahan ng ginto, nagiba ang isang bundok kaya naman nagkaroon ng kamatayan at kalamidad doon. Wala kayang katulad nito sa ibang lugar ng Pilipinas dahil sa napakaraming lindol na naganap sa nakalipas na ilang buwan?

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply