109 Pinoy stranded sa Libya nagpapalikas

MAY 109 na Filipino na naiipit sa Misrata, Libya ang naghihintay ng tulong upang makabalik ng Pilipinas.

Ayon sa International Organization for Migration (IOM), kabilang ang mga babae at paslit sa mga Pinoy na naiipit sa Misrata.

Sinabi rin ng grupo na wala silang contact sa mga nasabing Pinoy doon.

“IOM has been made aware of 109 Filipinos in Misrata, including women and children who also need to be evacuated but the Organization has not been able to establish contact with the group,” ayon sa grupo

Inihayag din ng grupo, halos 800 katao ang nailipat kabilang na ang istranded na migrante at halos 50 sugatang sibilyan ang kasalukuyang nasa Misrata habang patuloy ang pagbagsak ng bomba sa bisinidad ng daungan.

Ayon sa IOM, ang chartered boat na Red Star One ang naghahatid sa mga tao, mahigit sa 20 journalists at ilang doktor na inilikas sa Misrata.

Humihingi ng saklolo ang mga Filipino dahil patuloy pa rin ang pambobomba sa lugar. Pati na ang mga itinanim na mina ay nakalatag sa kalsada upang hindi makadaong ang ginagamit na bangka may limang araw na ang nakalilipas.

Ang lumulubhang labanan din ang dahilan kaya napilitan ang may 1,000 dayuhan na pansamantalang iwanan ang daungan para makatakas sa magulong lugar.

Batay sa ulat ng  IOM, tinatayang 180 toneladang humanitarian aid, pagkain, kagamitan at medical supplies ang naibaba sa malaking bangka para dalhin sa Benghazi.

“This is the sixth life-saving rescue mission to Misrata successfully carried out by IOM since early April. In that time, the Organization has delivered almost 2,000 tons of humanitarian aid to the besieged city and safely brought back to Benghazi about 6,000 stranded migrants, wounded civilians and their families,” pahayag ng IOM.

Nabatid na ang humanitarian evacuation program ng IOM para sa pagsagip ng naipit na dayuhan sa Misrata ay tinutustusan ng European Commission’s Humanitarian Aid at Civilian Protection Office (ECHO), Britain’s Department for International Development (DFID), Germany, Ireland at Australia.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply