11-anyos ginahasa ng tiyuhin

ISANG 11-anyos na dalagita ang nagharap ng reklamo sa tanggapan ng pulisya laban sa kanyang tiyuhin na umano’y puwersahang humalay sa kanya sa loob mismo ng kanilang tahanan sa lungsod ng Mandaue sa Cebu.

Base sa report na nakarating sa Command Operation Center sa Camp Crame, hawak ngayon ng Mandaue City Police office ang suspek na si Joel Aspe, 42.

Nabatid na ipinagharap ito ng reklamo ng sariling pamangkin na itinago sa pangalang Amor.

Sa sumbong ng biktima sa Mandaue Police Station 3, naganap umano ang panghahalay sa loob ng tahanan nito nang samantalihin ng suspek na wala ang kanyang mga magulang.

Kasunod ng sumbong ay agad namang rumesponde ang mga pulis at naaresto ang suspek na nakapiit na ngayon sa Mandue City detention cell.

Kaugnay nito hiniling na sumailalim sa medico legal examination ang biktima kaugnay sa paghahain ng kaukulang kaso. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply