115 pagyanig sa bulkang Taal naitala sa nakalipas na 24 oras

UMABOT sa 115 ang naitalang pagyanig sa nakalipas lamang na 24 oras sa bulkang Taal sa lalawigan ng Batangas.

Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum , 12 sa naturang mga pagyanig ay naramdaman ng mga residente sa paligid ng bulkan mula sa intensity 1 hanggang intensity 4.

Nabatid pa na ito ang pinakamaraming naitala nilang pagyanig simula nang itinaas sa alert level 2 ng bulkan.

“This is a notice of a remarkable increase in the seismic activity of Taal volcano. For the past 24 hours, Taal‘s seismic network detected a total of one hundred fifteen (115) volcanic earthquakes during the past 24 hours,” batay pa sa Phivolcs.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply