12-stage, 20-day LBC Ronda Pilipinas bike race

PANGUNGUNAHAN ng dating tour champion na si Warren Davadilla ang National Capital Region (NCR) team sa paghahabol sa individual at team prizes na tinatayang P7 milyon sa 2011 LBC Ronda Pilipinas na naka-schedyul pumalansangan sa buwan ng Setyembre hanggang Oktubre 2011.

Bukod kay Davadilla, kabilang sa malakas na NCR cycling team sina Lucien Lloyd Reynante, Tots Oledan, Frederick Feliciano, Rovy Urbano at Daryl Dann Bernabe.

Itinuturing na pinakamalaki ang LBC Ronda Pilipinas bike race sa larangan ng karera ng bisikleta matapos ang taunang Summer Bike Fest na Tour of Luzon, at ang dating Marlboro Tour.

May nakalaang isang milyong piso sa karera sa individual winner at isa pang kahiwalay na isang milyong pisong papremyo sa tatanghaling team champion. Bukod dito, may nilaang premyo hanggang sa ikalawang siklistang darating sa individual category at aabot sa ika-15 team na tatapos sa 20 araw, 12 stages na tour ang pagkakalooban ng kani-kanilang insentibo.

Papalansangan ang mga kalahok sa mga pangunahing lungsod ng bansa at sa tatlong isla ng Pilipinas.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply