122 Vietnamese sakay ng 7 fishing vessels arestado

PITONG fishing vessels na may lulan na 122 Vietnamese national ang naaresto ng pinagsanib na militar at pulis sa karagatang sakop ng Balabac, Palawan Lunes ng umaga, Mayo 30.

Ayon kay PNP Spokesman P/Chief Supt.  Agrimero Cruz, nasabat ang mga ito bandang alas 10:00 ng umaga habang nagsasagawa ng seaborne patrol operation ang pinagsanib na puwersa ng Philippine Navy/Marines at PNP Maritime at Balabac Municipal Police Station sa karagatang sakop ng Balabac.

Nabatid na may lulang 122 Vietnamese national ang mga bangkang pangisda na pumasok sa territorial waters ng Pilipinas.

Pansamantalang naka-atraka ngayon ang mga hinuling sasakayang dagat sa baybayin ng Barangay Poblacion.

Iniimbestigahan naman at isinasaayos ang documentation ng mga na-arestong Vietnamese. Verlin Ruiz

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply