125 sachet ng shabu nakumpiska sa kulungan

AABOT sa 125 sachet ng shabu at drug paraphernalias ang nakumpiska sa isinagawang Operation Greyhound ng mga tauhan ng  Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Cebu City Jail.

Batay sa report ngayon, Miyerkoles, May 4, ni Jail Warden Maria Victoria Jimenez sa Police Coordinating and Advisory Council (PCAC) ang unang 124 pakete ay nakumpiska sa isang inmate na kinilalang si Erick Armenio sa visiting area.

Ayon sa ulat si Armenio ay nakulong sa Cebu City jail dahil sa pagkakasangkot sa kasong illegal possession ng droga.

Ayon pa kay jail guard Jay Quilinguin, nakuha pa ang isang maliit na sachet ng shabu may ilang metro mula sa visiting area na hinihinalang itinapon ng inmate habang isinasagawa ng operation Greyhound.

Ipinaliwanag ni Jimenez na ang Operation Greyhound ay surpresang inspeksiyon sa mga selda at kapaligiran ng kulungan upang makumpiska ang iligal na bagay na prison cell.

Bukod sa mga nakumpiskang droga, nakakuha rin ang awtoridad ng apat na hiringgilya, dalawang improvised tooters, isang improvised tattoo machine, martilyo, isang pares ng gunting, dalawang pliers, mahabang cable wire, dalawang improvised ropes, sampung iron bars, 16 improvised knives, 20 disposable lighters at isang set ng baraha.

Ang nakumpiskang mga kontrabando ay inilagay sa pag-iingat ng Jail Administrator’ Office maliban sa 125-sachet ng droga na ipasusuri sa PNP Crime Laboratory.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply