$12B infra projects popondohan ng Chinese contractors

BUBUHOS ang mga infrastructure projects na popondohan ng mga kontratistang Chinese matapos ang pakikipagpulong ng delegasyon ng Pilipinas sa pangunguna ni Public Works and Highway Secretary Rogelio Singson, ilang mga opisyal at mga miyembro ng Philippine Contractors Association (PCA) sa mga Chinese international infrastructure investors sa isang forum sa China nitong Mayo 26.

Ibinida ni Singson ang mga oportunidad sa pamumuhunan sa imprastraktura at mga programa ng Aquino administration sa sektor ng transportasyon tulad ng mga kalsada, pantalan, mga paliparan at riles ng tren na aabot sa halagang $12 bilyon.

Nagkaroon din ng Memorandum of Agreement at kooperasyon sa pagitan ng CHINCA at PCA na magbabalangkas ng mekanismo para magkalapit ang mga Chinese at Pilipinong kontratista sa hinaharap.

Ayon kay Singson, tinutulak ng China ang mga kontratistang Chinese na maging internasyonal at makipagkumpitensya sa ibang kontratista para sa mga international na proyekto.

Sa Malaysia at Indonesia ay mayroong bilateral agreement ang bansang China kung saan kailangang mayroong local counterpart ang mga Chinese contractors at suhestyon ng Chinese Vice Minister of Commerce na gayundin ang mangyari sa Pilipinas at magkaroon ng competitive bidding sa mga banyagang kontratista para sa mga proyekto rito sa Pilipinas. Ben Reyes

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply