13-anyos dalagita nagselos sa utol, nagbigti

SELOS sa sarilng kapatid ang sinasabing dahilan sa pagbibigti ng 13-anyos na babae sa Barangay Pardo, Cebu City.

Ito ang iniulat ng homicide section ng Cebu City Police Office base na rin sa nakitang suicide note na iniwan ng biktima.

Ayon sa ina ng dalagita na si Avita Ariola, nais sana ng anak na makapasok sa pribadong eskuwelahan ngunit dahil sa hirap ng buhay ay sa pampubliko lamang ito ipinasok ng kanyang mga magulang na sinasabing dahilan sa pagseselos sa nakatatandang kapatid.

Lumabas din sa imbestigasyon ng pulisya ang alegasyon na minaltrato umano ang biktima bago nagbigti.

Nilinaw naman ng ina ng biktima na hindi niya magagawang pagmalupitan ang anak dahil patas lang siya pagdating sa concerns ng kanyang mga anak.

Una rito, natagpuan na lang ang menor-de-edad ng kanyang kapatid na wala nang buhay na nakabitin gamit ang lubid sa loob ng kanilang bahay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply